Mga Nakakaalala
Dalawang taon ng luha, tawanan, pagkakaibigan at hindi malilimutang alaala.
Magtatatlong taon mula nung umalis sa paaralang naging salamin ng ating sarili. Ang iba ay napalayo, masaya pa rin ang kinalalagyan, at ang iba ay hindi naging masaya ang tadhanang tinanggap. Malayo na nga at nag-iba na ang loob ko sa minsan kong tinuring na kaibigan, at natira lamang ay ang mga tunay na pagmamahal sa akin bukod sa aking pamilya. Natuto ako sa nakalipas. Hindi lahat ng magagandang bagay ay tumatagal. Sadyang mahirap isipin. Pinapahalagahan ko pa rin naman iyon pero hindi na maisasabuhay sa ating mga damdamin. Alaala ng kahapon. Mga murang isipan at walang alangan sa ninanais kahit masaktan. Paano tayo ngayon? May mga nagbago at malubhang hindi na natin hawak ito at hindi na magbabago.
Alay sa may kamalayan ng Colegio De Salitran High School Batch 2005.

0 comments:
Post a Comment